Sunday, July 20, 2008

TIRONA AT NORIEL SA HUKUMAN NG KASAYSAYAN



Daniel Anciano

Nalathala sa Filipino Magasin

Nobyembre 10, 1997

Noong nakaraang Mayo 10, ay ginunita ng sambayanang Pilipino ang sentenaryo ng kamatayan ng Supremo Andres Bonifacio. Isandaan taon na ang nakalipas nang ang mgakapatid na Andres at Procorpio Bonifacio ay bitayin (sabi ng ilang palabiro ay sinalvage) sa paanan ng isa samga bundok ng Maragondon, Cavite.

Ang kamatayan ng supremo ay isa sa itinuturing na pinakamatingkad na dungis sa ginintuang Pahina ng Unang Yugto ng Himagsikang Filipino ng 1896-1897. Hanggang sa kasalukuyan ang misteryo ng kamatayan ng magkapatid na Bonifacio ay patuloy pa rin na pinag-uusapan ng mga taong may hilig sa kasaysayan.

Dalawang katipunero ang nagkaroon ng malaking papel sa malagim na kinasapitan ng supremo sa paanan ng bundok ng Maragondon – sila ay sina Daniel Tirona at Mariano Noriel, dalawang pangunahing heneral ni Pangulong Emilio Aguinaldo.

Sa artikulong ito ay ating susundan ang mga sumunod na kaganapan kina Tirona at Noriel at kung papaanong ang kasaysayan ay humatol sa kanila upang matagpuan ng mga sumusunod na lahi ng mga mananalaysan ang dalawang personalidad sa basurahan ng kasaysayan.


DANIEL TIRONA

Ang Panghihiya sa Supremo

Si Heneral Daniel Tirona ay nagsilbing Direktoer ng Digmaan ng Sanggunuang Magdalo bilang kapalit ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Koronel Candido Tirona na nasawi sa madugong labanan ng Binakayan noong Nobyembre 11, 1896.

Sa pagdating ni Bonifacio sa Cavite noong kalagitnaan ng Disyembre 1896, si Tirona pa ang naghatid sa supremo mula sa Imus, Cavite patungong San Francisco de Malabon (Bayan ng General Trias, ngayon). Sa nasabing parada si Tirona ay nakasakay pa sa kabayo na nasa kanang paning ng karitelang sinasakyan ng Supremo Andres Bonifacio. Nakabunot pa ang espada ni Tirona at sumisigaw pa sa mga taong nadadaanan ng parada ng "Mabuhay ang Supremo."

Ayon sa pagsasalaysay ni Heneral Santiago Alvares, ang nabanggit na paghahatid at pagsigaw ng pagbubunyi ni Tirona sa supremo ay hindi minabuti ng Sangguniang Magdalo, dahilan ito upang siya ay mapagalitan ng mga kasamahan niya. Bilang pagbabangong puri sa kaniyang mga kasamahan sa Magdalo. Si Tirona ay nagpakalat ng mga mapanirang sulat laban sa katauhan ng supremo.

Labis na ikinagalit ng supremo ang ganitong mga mapanirang sulat, kaya ng magkita sina Bonifacio at Tirona sa San Francisco de Malabon ay tinutukan agad ng baril ni Bonifacio si Tirona. Mapalad na lamang at naawat ng mga taong sa bahay ang supremo sa kaniyang pagpisil ng gatilyo.

Ang pinakamalaki at pinakapopular na panghihiya ni Tirona laban sa supremo ay naganap sa Kumbensiyon ng Tejeros. Pagkatapos na matalo ng sunod-sunod ang supremo sa mga mahahalagang puwesto sa itinatayong Rebolusyonaryong Gobyerno na papalit sa Katipunan, nahalal din sa wakas ang supremo bilang Direktor ng Interior. Sa kabilang dako, ang nasabing puwesto para kay Bonifacio ay tinutulan ni Tirona at iminungkahi ang pangalan ni Jose del Rosario na mas angkop sa puwesto. Sa pagkakataong ito, naging labis na ang pagkamuhi ng supremo at tinutukan ng baril si Tirona. Sa ikawalang pagkakataon ay naging mapalad si Tirona dahilan sa naawat ni Ricarte ang supremo, na nagbigay ng pagkakataon para kay Tirona na mabilis na makatakbo.

Ang Hatol ng Kasaysayan

Pinarusahan ng kasaysayan si Tirona sa dalawang magkahiwalay na pagkakataon. Una ay nang mabawi ng mga Espayol ang Cavite noong 1897 mula sa kamay ng mga rebolusyonaryo. Si Tirona at si del Rosario (na pinagpipilitan ni Tirona bilang kapalit ni Bonifacio) ay nagtungo sa Tanza at buong kaduwagang nakaluhod ma humihingi ng amnestiya sa mga Espanyol.

Noong 1898 ay nagbalik si Aguinaldo mula sa Hongkong at naitatag ang isang bagong pamahalaan. Muli niyang tinawag si Tirona para maglingkod sa pamahalaan bilang heneral ng hukbo ng unang republika. Sa panahon ng Digmaang Filipino-Amerikano, si Tirona ay naatasan na mamuno sa Cagayan bilang gobernador-militar ng nasabing lalawigan.

Ang kaduwagan ni Tirona ay naipakitang muli sa ikalawang pagkakataon. Sa talaarawan ni Dr. Simeon Villa na nakapaloob sa petsang Pebrero 5, 1900, mapait niyang isinalaysay ang mga kawalanghiyaan ni Tirona. Sinulat ni Dr. Villa na ginamit ni Tirona ang kaniyang posisyon sa pamahalaang panlalawigan sa pagmomonopolyo ng mga kalakal na pumapasok sa Cagayan na nagkaloob kay Tirona ng napakalaking pakinabang na pera.

Kabilang sa isinulat ni Dr. Villa sa kaniyang talaarawan ay ang insidente kung saan ang bahay ng isang mayamang taga Tuguegarao, Cagayan ay nilooban ng mga masasamang loob at nilimas ang alahas at salapi. Hindi na nahuli o nakilala ang gumawa ng pagnanakaw. Pagkatapos ng dalawang buwan, ang ilan sa mga alahas na ninakaw sa bahay ng mayamang taga Tuguegarao ay nakitang nakasuot na sa katawan ni Tirona. Dito ay natanto ng mga taga Cagayan kung sino ang tunay na utak ng nakawan.

Sa pagsalakay ng mga Amerikano sa Cagayan, isinisi ng mga taga-roon ang pagbagsak ng lalawigan sa kabuktutan, kaduwagan at kawalan ng kahihiyan ni Tirona. Agad sumuko si Tirona sa mga Amerikano. Nang sumukod si Tirona, nakahanay siya sa harapan at sa pagkakataong ito ay harapang iniinsulto siya ng mga taga Cagayan na nakasaksi sa pagsuko. Sumisigaw ang mga taga Cagayan ng buong pagkutya na nagsasabing si Tirona ay magnanakaw na may pinakamaitim na balahibo, walang karangalan at duwag.

Si Tirona ay nagsilbing isang alila sa kapitang Amerikano na nakadakip sa kaniya. Sa nasabing kapitang Amerikano (heneral si Tirona) si Tirona ay naglingkod bilang tagalinis ng sapatos at tagapaglinis ng opisina.

MARIANO NORIEL

Ang Lagda ng Kamatayan

Pagkatapos ng kumbensiyon sa Tejeros, nagbalak ang supremo na muling I-organisa ang kaniyang puwersa sa pagpupulong na naganap sa casa hacienda sa Naic, Cavite. Sa nasabing pagpupulong kaniyang itinalaga sina heneral Pio del Pilar at Mariano Noriel na na maging pinuno ng hukbong mapaghimagsik (na hiwalay sa Tejeros).

Ngunit ang nasabing pulong ay natuklasan ni Aguinaldo at nakita niya na ang kaniyang dalawang heneral sa paksiyong Magdalo na sina Noriel at Tirona ay kasama sa pagpupulong ni Bonifacio. Ipinatawag ni Aguinaldo ang dalawa at kanilang sinabi na "nilinlang lamang sila ni Bonifacio" at muling nakilahok sa pangkating Magdalo.

Dahilan sa naganap na pagpupulong ni Bonifacio sa Naic ay natanto ng mga Magdalo na ang supremo Bonifacio ay isang tinik sa kanilang lalamunan at banta sa bagong tatag na rebolusyonaryong pamahalaan. Nadakip ang magkapatid na Bonifacio sa Sito ng Limbon, Indang, Cavite, pagkatapos ng isang sagupaan na ikinamatay ni Ciriaco Bonifacio at labis na ikinasugat ng Supremo. Mula sa Indang, dinala ang mga bihag sa Naic, Cavite upang litisin ng tribunal militar na pinamumunuan ni Heneral Mariano Noriel. Ang paglilitis ay nagsimula ng Abril 29, 1897 at inilipat sa Maragondon noong Mayo 4, 1897. Ngunit ang aktwal na paglilitis ay naganap noong Mayo 5, 1897 at ng sumunod na araw ay nakapagpalabas na ng hatol na kamatayan ang tribunal militar.

Nang iharap kay Aguinaldo ang desisyon ukol sa hatol na kamatayan laban sa magkapatid na Andres at Procorpio Bonifacio, nagpalabas si Aguinaldo ng kautusan na nagbabawi ng kaparusahang kamatayan sa magkapatid na Bonifacio kapalit ang kaparusahang pagpapatapon na lamang. Ngunit sina Noriel at del Pilar ang pumilit kay Aguinaldo na hayaan na lamang na manaig ang desisyong iginawad ng tribunal militar "alang-alang sa kapakanan ng himagsikan."

Noong Mayo 10, 1897, si Major Lazaro Makapagal ay ipinatawag ni Heneral Noriel, pinagsama ng ilang tauhan , may iniabot na sulat, inutusan na kunin ang mga preso at dalhin sa bundok Tala. Sinunod ni Makapagal ang utos at dinala ang magkapatid na preso sa kabundukan ng Maragondon. Bago pa man marating ang bundok Tala ay pinilit ni Bonifacio si Makapagal na basahin ang sulat. Nang buksan ang sulat ay natagpuan nila ang ganitong nilalaman.

Major Makapagal,

Sang-ayon sa kauusan ng Sangguniang Pandigma na ginanap sa Maragondon noong Mayo 8 laban sa magkapatid na Andres at Procorpio Bonifacio, na hinatulan na patayin sa pamamagitan ng pagbaril, ikaw ay inuutusan na ipatupad ang nasabing kahatulan.

Ikaw sa pamamagitan nito ay binabalaan na anumang pagpapabaya o kawalan ng ingat na iyong magagawa sa pagpapatupad ng kautuasng ito, ikaw ay mananagot at pasasailalim ng higpit ng mga batas na nakapaloob sa Kodigo ng Hukumang Militar Pang-Espanyol.

Banatayan ka nawa ng Diyos sa maraming mga taon.

(Lagda) M. Noriel

Maragondon, Mayo 10, 1897

Nang mabasa ito ni Makapagal at narinig ito ni Bonifacio ay hindi sila kapwa makapaniwala. Maging ang nakakahigit na ebalwasyon ng paglilitis sa kaso ng supremo ay nauwi sa isang konklusyon na ang mga akusasyon ay higit na hindi kapanipaniwala.

Mapagbirong Wakas

Ngunit mayroong naganap na kabalintunaan sa kasaysayan para kay Heneral Mariano Noriel pagkatapos ng 12 taon. Noong 1909, sa panahon ng pamamahala ng mga Amerikano, si Noriel ay inakusahan ng salang pagpatay kasama ng kaniyang dalawang tauhan na sina Luis Landas (alcalde ng Bacoor, Cavite) at Roman Malabanan.

Noong Marso 23, 1914, hinatulan si Noriel at ang kaniyang mga kasamahan ng parusang kamatayan sa kabila ng hinala ng marami na ang pagkakasangkot ni Noriel sa kasong pagpatay ay gawa-gawa lamang.

Noong Enero 27, 1915, si Heneral Noriel na lumagda ng kautusan ng pagbitay sa magkapatid na Bonifacio ay binitay din sa Piitan ng Bilibid sa Maynila. Katulad ng supremo Bonifacio, namatay si Noriel na hindi niya matanggap ang pagiging matuwid ng hatol ng hukuman.

Napakahusay ng pagbibiro ng kasaysayan, ang lalaking lumagda sa kautusan ng pagbitay kay Bonifacio ay inilakad din ang huling hakbang ng kaniyang mga paa patungo sa andamyo ng bitayan, kasama ng kaniyang dalawang kaibigan.


Monday, July 14, 2008

ABACA

By HUGO H. MILLER
Bureau of Education

The Philippine Crafstman
August 1912

THE name "hemp" as applied to the fiber of Musa textilis is a misnomer. The chief cordage fiber of the world was formerly that obtained from the hemp plant Cannabis sativa which grows in Europe, the United States, and other temperate regions. Many other fibers have from time to time taken the place of hemp in rope making and have in a general way also been classed as "hemp." Often they have the name of their place of origin prefixed in order to distinguish them from other similar fibers. Such are Mauritius hemp, New Zealand hemp, Sisal hemp, and Manila hemp. The term "hemp" as applied to abaca fiber is not only a misnomer but it is an unfortunate one as far as the foreign viewpoint of our industrial articles is concerned. To those persons to whom the word "hemp" may convey some meaning it brings to mind a coarse gray material of no particular beauty, the chief quality of which is its strength. It will therefore be unfortunate if, in the markets of the world, the beautiful abaca hand bags, the delicate slippers, the fine laces, and such articles made from the fiber of Musa textilis are to be advertised and sold under the name "hemp" or "Manila hemp." There is much in a trade name. The word "hemp" has a definite meaning in the world at large and conjures up no impression of beauty and delicacy. The word "abaca" is not known in foreign markets but it is an unusual and catchy word, one for which many a manufacturer would pay a considerable sum. The title of this article has therefore been limited to "abaca" with the hope that the word will be employed by all when referring to articles made from fiber of Musa textilis.

Read More ...

Saturday, July 5, 2008

Capitana Vicenta

By HAMMON H. BUCK

CERTAIN scientists have advanced the suggestion that a matriarchal form of society formerly existed in the Philippines. The strongest argument in favor of this contention seems to be the Filipina woman's superiority over the man in the financial affairs of the family. The average male American thinks his womenfolk are well treated if he makes them a fixed allowance and pays on his own account the monthly bills for rent, groceries, heat, light, water, etc. Occasionally the lady of the house will have a checking account and settle monthly the ordinary household expenses, but the number and variety of jokes one reads in the funny papers, illustrating woman's inability to keep a record of her income and outlay, illustrate the man's opinion of woman's efficiency in financial matters. In the average Filipino family, however, the woman is supreme in money matters. If the man of the house draws a salary, he is expected to turn it over to his spouse intact or nearly so on the evening of each payday.

Read More...

Principle Versus Policy

BY HAMMON H. BUCK
Author of "Capitan Baltazar"

CAPITAN BALTAZAR was fond of repeating the story of the old Spaniard who was crossing a deep ravine on a rotten log. THE SPANIARD AND GOD AND THE DEVIL The Spaniard, according to the tale, was half way across before he realized how precarious was his support. He hesitated. There was no room to turn around and go back, and he reasoned correctly that to proceed would be no more dangerous than to retrace his steps. He thought of death and from thinking of death, although he was not religiously inclined, he recalled his Maker. Instinctively he voiced his thoughts, "El Dios es bueno" (God is good), and stepping carefully, holding his breath, he advanced toward the other side. Another thought struck him. Perhaps the devil would resent his calling on the Lord, and, with a view toward forestalling any act of revenge from the arch fiend he exhaled, "El Demonio no es malo" (The devil is not bad).

Read More...

Thursday, July 3, 2008

The birth of the Philippine National Anthem



ROSES & THORNS
By Alejandro R. Roces


Thursday, June 5, 2008

This day, June 5, in the year 1898, historical accounts tell of General Emilio Aguinaldo being visited by a young pianist and composer, a Caviteno by the name of Julian Felipe. He brought with him a letter written by General Mariano Trias, introducing him as a good musician and composer. Felipe was then asked to play a musical composition, Hymno de Balintawak, which was composed by a Filipino musician in Hongkong where Aguinaldo had been in exile. General Aguinaldo was then looking for a composition that embodies the noble ideals of the Filipino, something that would inspire the people to fight against foreign invaders. He was not quite satisfied with the composition although it sounded good. The next day, Aguinaldo told Felipe, "It is not what I'm looking for. I want something more stirring and majestic". This was a week before the scheduled proclamation of the Philippine independence in Kawit. Felipe labored on the new composition during the next six days and nights. On the eve of the proclamation, Felipe played his composition in the presence of Aguinaldo and two other revolutionary generals. They were aptly impressed and approved it as the Filipino Republic's national anthem, calling it "Marcha Nacional-Magdalo".

As historical books narrated it, when General Aguinaldo proclaimed the country's independence on June 12, 1898, the "soul-inspiring masterpiece without lyrics" was played by the music band of San Francisco de Malabon (now General Trias, Cavite), while the Filipino flag (made in Hongkong, red, white and blue with the sun shining through) was being hoisted outside the central window of the Aguinaldo ancestral home which still stands now in Kawit, Cavite. Being a Marcha, no one sang it, because it had no wordings then.

Julian Felipe drew inspiration from his country's sufferings. He expressed his love for his country with his music. From his pen flowed many beautiful musical pieces, such as Amoria Danza, Cintas y Flores Rigodones, Matete al Santissimo, Philippines, My Philippines. He composed Un Recuerdo which he dedicated to the Thirteen Martyrs of Cavite, with whom he was almost killed. His Marcha Filipina-Magdalo, became the national anthem of the Philippines, his legacy to his country.

Six months after the proclamation of Philippine Independence in Kawit, in December 1898, the Philippines was ceded by Spain to the United States of America in the Treaty of Paris. The Filipinos found themselves under the rule of the Americans. In February of 1899, the Filipino-American War erupted. The revolution and the fightings moved a 23-year old poet-soldier of the revolution, Jose Palma, to compose a poem entitled "Filipinas". This was first published during the first anniversary of the Declaration of Independence published in La Independencia, the Filipino Republic's organ on September 3, 1899 in Bautista, Pangasinan. The lyrics perfectly matched the Philippine National Anthem.



Palma's original Spanish lyrics underwent several English and Tagalog translations. In 1918, Senator Camilo Osias translated "Filipinas" into English. In 1938, the National Assembly enacted a law confirming the Philippine National Anthem that will be coterminous with the life of the country. In 1943, the poets Julian Cruz Balmaceda and Ildefonso Santos translated it into Tagalog. In 1956, a new version penned by the Surian ng Wikang Pambansa (Institute of National Language) was adopted. Entitled "Lupang Hinirang," it was declared by President Ramon Magsaysay on May 26, 1956, as the official Tagalog version of the Philippine National Anthem.

A timeless musical legacy is now our national treasure. It speaks of our beginnings, without which we will not be what we are now. May we never forget to tell our children one of the most beautiful stories in the history of our country.

http://philstar.com/index.php?Opinion&p=49&type=2&sec=25&aid=20080604116

Shrimp fishermen at Cavite Viejo, Cavite Province, Luzon, 1900.





Image ID: fish7115, NOAA's Historic Fisheries Collection
Location: Cavite Vieng, Luzon
Photo Date: 1900
Photographer: Archival Photographer Stefan Claesson
Credit: Gulf of Maine Cod Project, NOAA National Marine Sanctuaries; Courtesy of National Archives