Sunday, January 20, 2008

Cavite Province

Ramdom Notes of a Student of Soil Geography

By Dominador Z. Rosell

Philippine Magazine
August 1938

NEXT to Rizal and Bulacan provinces in proximity to Manila is Cavite province. The Rizal-Cavite boundary is 14.94 kilometers from Manila and the provincial capital at Cavite 35 kilometers, and the Tagaytay Ridge is 78.2 kilometers on the Manila-Naic-Mendez road. When viewed from the air, the province looks like an opened fan. Fronting on Manila Bay, the coastal plain is the edge of the fan. The ribs are the several rivers radiating from the crest of Tagaytay Ridge.

Read More...

Friday, January 18, 2008

CAVITE PRE-COLONIAL RELICS

Dr. Otley H. Beyer


Cavite Province: Stone-Age remains.-Several plowed fields (mostly with red soil) along the main road to Tagaytay, and others near Indang, have produced small numbers of obsidian and flint microliths, while excavation near the Manila Hotel Site at Tagaytay Ridge produced a good Late Neolithic barkcloth beater. (A few other obsidian and flint microliths, probably of Neolithic date, were picked up along the trail to the Diesta Site to be described later.)

Possible Iron-Age site.-A thin layer of small sherds of common red pottery was examined in the back wall of a sizable excavation near the Van Schaick residence on Tagaytay Ridge. No associated objects were found, but the pottery itself is almost identical with the Early Iron-Age material from the Novaliches District sites. (This vicinity should be further examined, both for additional Late Neolithic remains and for possible Iron-Age artifacts.)

Porcelain-Age sites.-Only one important pre-Spanish site has been investigated-that on the Diesta Farm, in Pangil barrio, about half-way between Amadeo and Indang, and accessible by trail only. About 10 whole pieces of 15th and early 16th century Ming wares were accidentally excavated when a sizable ditch across one end of the farm was being dug; and a later visit by E. D. Hester disclosed the presence of good midden fragments, from a nearby village site, being plowed up in the surrounding fields. One sizable piece of a 15th century Sawankhalok tall jarlet was also plowed up. Mr. Hester expressed the opinion that a ton or more of midden fragments might easily be gathered from the plowed fields seen by him in 1932.

Hester's original visit had been made from Indang, on horseback, but in 1940 he and I tried again to reach the site from Amadeo-going by car nearly to Pafigil barrio, and then on foot for several kilometers. We found the middenfilled fields now overgrown by tall grass and brush-as cultivation had been shifted to other fields-but we did gather a small bagful of fragments from two adjoining new fields. These appear a little older than the first finds, and indicate that the upper side of the village site began at least as early as the 14th century. (The whole area looks very interesting, and merits further exploration and search for other sites.)

Historic sites. —The whole Cavite coast, from old Cavite town as far south as Ternate, was the seat of important happenings in the Early Spanish regime (and before), and should contain important historical remains meriting exploration. (Also Buck's fire-walkers.) Workers. —E. de Mitkiewicz, Robert L. Pendleton, H. H. Buck, E. D. Hester, H. 0. Beyer, Tomas Tirona.


H. Otley Beyer. Outline Review of the Philippine Archelogy by Islands and Provinces. The Philippine Journal of Science 77 (July-August, 1947). pp. 242

GUILLERMO A. BAYAN

Makabayang Guro ng Intermedia ng Indang

Magmula sa pagkakatayo ng intermedia ng Indang hanggang sa pag-alis ni Joseph Cocannouer ay parang lumilitaw na tila ang mga principal na Amerikano lamang ang nagpatakbo ng paaralan. Sa kabilang dako, sa panahon ng panunungkulan ng mga principal na Amerikano ay nandoon sa kanilang likuran ang isang gurong Pilipino na naglingkod sa paaralan magmula 1907 hanggang 1917 – Si Guillermo Bayan. Ang kabanatang ito ay isang paglalagom sa isinulat na manuskrito ni Mr. Ambrosio Bayan ukol sa kasaysayan kaniyang ama.

Si Guillermo Bayan ay ipinanganak noong Hunyo 25, 1874 sa Silang, Cavite, sa mag-asawang Macario Bayan ng Silang at Anastacia Ancanan ng Amadeo. Nag-aral ng pagkaguro sa Escuela Normal mula 1888 hanggang 1893. Pagkatapos ng pag-aaral siya ay naitalagang guro sa Amadeo, Cavite noong Mayo 31, 1893 na may buwanang suweldong P 12.00. Pagkatapos ng ilang buwan ay pansamantalang naitalagang nagturo sa lalawigan ng Albay noong Disyembre 17, 1893 na may buwanang suweldong P 17.00 . Noong Enero 31, 1894 ay nakatanggap ng pagkakatalaga upang magturo sa bayan ng Silang, na buwanang sahod P 17.00.

Habang nagtuturo sa Silang, si Maestrong Emong ay inabutan ng himagsikan ng 1896 at nakilahok sa mapagpalayang kilusan ng bayan sa nasabing kapanahunan. Naglingkod bilang opisyal ng rebolusyonaryong hukbo na nagtatanggol sa Silang, Cavite. Nakasama ni Aguinaldo noong 1897 sa Mahabang Martsa mula Maragondon at naiwan sa Cabangaan, Silang, Cavite habang sina Aguinaldo ay nagtungo sa Biyak na Bato. Ang kaniyang pakikibahagi sa madugong pakikipaglaban ng bayan laban ay nagtagal hanggang sa panahon pa nang pananakop ng mga Amerikano hanggang sa siya ay sumuko sa taong 1901.


Pagbabalik sa Pagtuturo

Sa pagsuko ni Maestrong Emong sa mga Amerikano, siya ay naatasan na maglingkod sa pamahalaang sibil bilang guro. Isa siya sa mga unang nag-aral sa Silang bilang aspirante sa ilalim ng mga gurong Amerikano upang sanayin sa paggamit ng wikang Ingles na magiging bagong medium sa pagtuturo sa mga paaralang bayan. Dumalo ng serye ng mga Normal Institute na kalimitan na isinasagawa sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite. Isa sa mga Normal Institute na kaniyang nadaluhan ay ang isinagawa sa Indang noong Oktubre 3 hanggang 31, 1904 kung saan ang kaniyang sertipiko ng pagdalo ay nilagdaan ng principal nang nasabing institute na si C. J. Anderson. Naipasa ni Maestrong Emong ang pagsusulit na ibinigay ng Lupon ng Serbisyo Sibil para sa mga gurong Pilipino na ginanap noong Disyembre 27 – 28, 1904.

Noong Hunyo 1, 1905, naitalaga si Maestrong Emong bilang guro “Class K” na may taunang suweldo na $180. Hindi matiyak ni Mr. Ambrosio Bayan kung saan naitalaga ang kaniyang ama, subalit ang Bulletin No. 25 ay nagpapakita na ito ay nakatalaga bilang In-charge sa paaralang baryo ng Amadeo.


Maestrong Emong:
Gurong Pilipino sa Intermedia ng Indang

Noong Mayo 25, 1909 si Maestrong Emong ay naitalaga bilang guro “Class H” na may taunang suweldo na P 720.00. Isinasaad sa dokumento ng pagtatalaga na ang kaniyang istasyon ay ang Indang, Cavite. Ang huling dokumento ng pagtatalaga sa kaniya ay may petsang Enero 1, 1915, itinatalaga sa posisyong bilang guro “Class G” na mayroong taunang suweldo na P 840.00. Ispisipikong isinaad sa pagtatalaga na ang kaniyang istasyon ay ang Indang Farm School. Nagretiro sa pagtuturo noong 1917 at tumanggap ng pensiyon mula sa pamahalaan at hinarap ang kaniyang nalalabing panahon ng kaniyang buhay sa pagsasaka.

Sa loob ng mahabang panahon ng kaniyang pagtuturo bilang guro sa Amadeo at Indang Farm School. Ang kaniyang mga mag-aaral ay nagmula sa mga bayan ng mataas na lupa ng Cavite, Mula sa Indang, Silang, Amadeo, Mendez, Alfonso, Bailen, at Magallanes. Nakilala siya ng naglahong henerasyon ng mga mamayan sa lugar na ito bilang “Maestrong Emong.”

Samantalang nagtuturo sa Indang, muli siyang nag-asawa kay Engracia Penales na isang guro sa paaralang ng Indang. Ang mga naging anak ng mga-asawa ay sina Ambrosio, Virginia, Lauro, Macario, at Aurora. Sa pag-aaral na ito ay tiniyak ng kaniyang apo na sina Ambrocio at Virginia ay kapwa isinilang sa bayan ng Indang.

Ang kaniyang mga naging kasabayan sa pagtuturo na sina Jose Ambalada, Fernando Matro, Mariano Mondenedo ng Indang Farm School, Carlos Bayot ng Amadeo, Luis Litonjua ng Cavite. Maging ang mga batang henerasyon ng mga guro na katulad nina Estaban Velasco, Maestrang Tonya (Antonia Mercado, kapatid ni Felisa Mercado), Francisco Llamado, Simeon Madlangsakay at maraming iba pa.


Maestrong Emong Pagkatapos
ng Pagtuturo sa Indang Farm School

Ang pagreretiro ni Maestrong Emong sa pagtuturo ay nagbigay daan naman upang makapag-ambag siya ng malaki para sa pagpapabuti ng kalagayan ng Silang. Sa taong 1917 ay pinangasiwaan niya ang pagpapatayo ng monumento ni Rizal sa bayan ng Silang na natapos at pinasinayaan noong Enero 13, 1918. Si Maestrong Emong ang isa sa nagbigay ng talumpati para sa nasabing okasyon. Sa kapanahunang iyon na ang Pilipinas ay kolonya ng Amerika at watawat ng ating bansa ay pinagbabawal pang iwagayway sa ilalim ng ating langit ay naipahayag niya ang kaniyang nasyonalitikong talumpati na nagsasaad ng ganito:

“Sa pagtatayo natin ng monumentong ito ay nakatupad tayo ng isa sa pinakadaquilang tungculin ng mga anac ng isang bayan… Ang monumentong ito ay siyang magsisiwalat sa mga panahong susunod na tayong mga anac ng Bayan, ay hindi humihiwalay at hindi makakahiwalay sa sinimulang gawain ng ating mga bayani; na pagtuklas sa catubusan ng ating Bayan. Na ang landas na canilang nilacaran ay siya rin nating aalinsunurin, na ang kanilang mga bacas ay siya rin nating gagawin; na ang adjika, nais at dalangin na kanilang pinamuhunan ng buhay ay siya rin nating ipagtatanggol at paglalaanan ng lahat kung ito ang Quinacailangan.”



“Ang monumentong ito ay parang isang aclat na quinatatalaan ng mga ibeg nating ipagbilen at ipatupad sa mga liping susunod sa atin. Mauunawaan ng ating mga inanac kung ano ang lihim na nacacuble sa mahiwaga niyang anyo,

Ang monumentong iyan ay siyang magpapa-ala-ala, magtuturo, at magpapatupad sa mga dapat gawain ng bawat anac ng bayan. Siya’y magbibigay ng lacas sa mga nghihina, sigla sa mga nanglulupaypay, loob sa mga nawawalan ng diwa, tapang sa pinapasukan ng Sindac, at pag-asa sa ibeg lisanin ng paniniwala.

Sumali si Maestrong Emong sa pulitika bilang miyembro ng Partido Democrata na pinamumunuan ni Claro M. Recto at ang partido ang siya noong oposisyon sa pamahalaan. Nahalal noong 1918 sa pagka-konsehal ng Silang at nanatili sa nabanggit na posisyon hanggang sa kaniyang kamatayan noong Nobyembre 10, 1926.


Repleksiyon Ukol Sa Pagkaguro
ni Maestrong Emong

Si Maestrong Emong ang maituturing na isa sa mahalagang tuklas sa pag-aaral ng kasaysayan pang-edukasyon sa lalawigan ng Cavite. Isang guro na ang propesyon ay nag-overlap sa tatlong mahalagang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas. Nag-umpisa sa kaniyang pagtatapos sa Escuela Normal sa Maynila na nakilala sa kapanahunang iyon na lumilikha ng mga progresibong gurong na naglalayon na hanguin ang sistema ng kolonyal na edukasyon sa isang mapanupil at mga hindi mapagparayang mga patakaran.[1]

Ang pakikilahok ni Maestrong Emong sa himagsikang Pilipino noong 1896-1898 ay kahahayagan ng kaniyang komitment sa pagpapalaya ng bayan. Ang pagpapatuloy ng kaniyang pakikibaka sa anyo ng pakikidigmang gerilya laban sa mga mananakop na Amerikano noong 1899 at 1901 ay indikasyon ng kaniyang hangarin para sa preserbasyon ng kalayaan na natamo na nang bayan at noon ay inaagaw ng Amerika.[2] Sumuko si Maestrong Emong sa mga Amerikanong mananakop dahilan na rin sa pakiusap ng mga kaibigan at namuhay sa ilalim ng bagong bandila at sumunod sa panibagong dayuhang pamahalaan.


Binalikan ni Maestrong Emong ang pagtuturo na pilit na ginagamit ang bagong wika na maaring hindi niya ganap na natutunan. Nagturo ng primarya sa mga taong 1902 hanggang malipat sa intermedia ng Indang noong 1907. Kung pag-aaralan ang relasyon ng kaniyang eksistensiya bilang guro sa intermedia ng Indang hanggang sa kaniyang pagreretiro ay makikita na siya ay kakabit ng institusyon at mga naging principal nito. Naging estudyante ni C. J. Anderson sa Normal Institute sa Indang noong 1904. Napailalim siya sa pamumuno ni Harry J. Hawkins noong ito ay supervising teacher pa ng Silang. Naabutan pa niya ang huling taon ng pangangasiwa ni C. E. Workman at ang kobersiyon ng intermedia ng Indang bilang isang agricultural school. Naging pinuno niya si Henry Wise at Joseph A. Cocannouer. Nilisan niya ang paaralan nang magtagumpay ang patakarang Pagsasapilipino at maisalin ang intermedia kay Mr. Mariano Mondeńedo. Limitado na lamang ang mga natitira pang anekdota ng kaniyang pagiging guro sa intermedia ng Indang. Subalit matitiyak na sa nakalipas, bilang isa sa pinakamatagal na guro sa paaralan ay nagkaroon siya ng malaking inpluwensiya sa pagpapatupad ng mga patakaran ng mga Amerikanong principal sa institusyon.

Tanging panahon na lamang ang magbubunyag ng mga karagdagang inpormasyon sa ginampanan niyang papel bilang guro ng paaralan, subalit matitiyak na mayroong siyang malaking pagtitiwala sa kakayahan ng paaralan na kaniyang pinagturuan. Mararamdaman ito sa kaniyang ginawang pag-papaaral sa ang kaniyang anak na si Paterno Bayan na nagtapos intermedia ng Indang noong 1919[3] at sa kaniyang anak na si Ambrocio Bayan.[4]


Sa pag-aaral sa naging carrer ni Maestrong Emong bilang guro ay maaring makita ang kaniyang pagsunod sa bagong mananakop. Subalit sa kaniyang talumpati sa pagtatayo ng monumento ni Rizal sa bayan ng Silang ay masasalamin na hindi namamatay ang apoy ng himagsikan na nakatago sa kaibuturan ng kaniyang puso – ang katubusan ng bayan na dapat harapin ng mga susunod na henerasyon. Isang bagay ang sasaliksikn ng susunod na henerasyon at ito ay kung ano ang epekto ng nakatagong kaisipang liberetarian sa kaniyang pagtuturo at mga mag-aaral. Maging sa larangan ng pulitika ay pinili ni Maestrong Emong ang partidong oposisyon sa pamahalaang Amerikano na pinamumunuan ni Claro M. Recto.

Sa pagwawakas ng kabanatang ito ay ipinapaalam ng nagsasaliksik sa mga mambabasa na noong Hunyo 2006 ay binuksan ng Cavite State University ang isang sa kaniyang mga sangay sa Silang, Cavite. Isang kabalintunaan na wala sinuman sa loob ng pamantasan ang nakakilala at nakakaalam na 99 ang nakalipas si Maestrong Emong ng Silang, Cavite ay dumating at nagturo sa intermedia ng Indang at ang mapagbirong pagkakataon ay tila ibinabalik ng Indang ang kaniyang kautangan sa bayan ng Silang na pinagmulan niya ng kaniyang makabayang guro.

Darating ang isang panahon, hindi magiging kataka-taka na ang kampus ng Cavite State University sa Silang, Cavite ay tawaging Guillermo Bayan Campus.